Posts

Araw ng mga Patay

Image
Larawan mula sa Twinkl Ayon sa website ng Twinkl , ang Undas ay isang mahalagang tradisyonal na pagdiriwang sa Pilipinas tuwing Nobyembre 1 at 2. Kilala rin ito bilang kombinasyon ng Araw ng mga Santo (All Saints' Day) at Araw ng mga Patay (All Souls' Day), dalawang araw na ipinagdiriwang ng mga Kristiyano at Katoliko.  Larawan mula sa blog na "Kiliti ng Diyos" Ayon din sa blog na “Kiliti ng Diyos”, Ang Undas ay nangangahulugang “paggalang sa mga Patay”. Sa mga araw na ito, karaniwang bumibisita ang mga tao sa mga sementeryo upang maglinis ng puntod, mag-alay ng bulaklak, kandila, at dasal para sa mga mahal sa buhay na namayapa. Nagdadala rin sila ng pagkain at nagtitipon-tipon ang pamilya sa sementeryo bilang tanda ng pag-alala at pagmamahal. Bilang isang bansang Katoliko, malalim ang paniniwala ng mga Pilipino sa mga kaluluwa ng mga patay. Naniniwala tayo na ang ating mga mahal sa buhay na pumanaw ay patuloy na gumagabay sa atin mula sa lang...